Inutos ni Chief Supt. Amador Corpus, direktor ng Central Luzon regional police, ang pagsibak kina SPO1 Antonito Otic, PO3 Danilo Sotelo, PO3 Ronald Buncad, PO3 Oliver Antonio, PO2 Rodrigo Edralin, at PO2 Romeo Nuñez III.
Ito’y matapos madakip ng PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang anim at mga kasabwat nilang sina Ramon Cabilangan at Darwin Lagisma sa entrapment operation, sa checkpoint sa Brgy. Digdig, ala-1:20 ng umaga Martes.
Isinagawa ang operasyon dahil kinikikilan umano ng mga pulis at dalawang sibilyan ang mga taong naglalako ng paninda na napapadaan sa kanilang checkpoint, ani CITF commander Senior Supt. Chiquito Malayo.
Nagsisibing “kolektor” sina Cabilangan at Lagisma, pero minsa’y nakikita ring tumatao sa checkpoint, aniya.
Nakumpiska sa mga pulis at kanilang mga kasabwat ang P2,440 cash, na pinaniniwalaang mula sa pangongotong.
Dinisarmahan na ang mga pulis at itinurn-over ang kanilang mga baril sa kanilang hepe.
Nakuhaan din sina Otic at Antonio ng kalibre-.45 at kalibre-.9mm pistola na kapwa mula umano sa lokal na pamahalaan ng Carranglan.
Nakatakdang dalhin ang mga pulis sa tanggapan ng CITF sa Camp Crame.
Kaugnay nito, iginiit ni Corpus na di nagkulang ang pamunuan ng regional police sa pagbababala at paglalabas ng direktiba sa mga tauhan nito na huwag nang sumawsaw sa iligal na aktibidad gaya ng pangongotong.
Mas magiging mahigpit ngayon ang regional police sa pagbabantay at pagpapataw ng kaparusahan sa mga susunod na mahuhuli, aniya.
READ NEXT
2018 Bb. Pilipinas top 40 kinilala; Miss World PH Catriona Gray, DLSU V-player Michelle Gumabao pasok din
MOST READ
LATEST STORIES