Ina ni Elmo suportado ang ElNella, nanay ni Janella laging nega


ALIGAGA si Pia Magalona sa pagkuha ng video nina Elmo Magalona at Janella Salvador para imbitahan ang kanilang fans na panoorin ang Valentine movie ng dalawa na “My Fairy Tail Love Story.”

Take note na hindi lang isang video ang invitation ng ElNella loveteam, may iba’t ibang version ang kanilang paanyaya na ipakikita sa social media.

Tuwang-tuwa siyempre ang fans nina Elmo at Janella dahil very supportive si Pia sa loveteam nila. Hindi tuloy maiwasang ikumpara ng netizens ang madalas na reaksyon ng madir ni Janella na si Jenine Desiderio na mas lamang ang hanash kay Elmo kesa papuri.

Hanggang ngayon, pawang ispekulasyon pa sa netizens kung si Elmo ang tinutukoy ni Jenine na gatecrasher sa reunion ng pamilya nila nitong nakaraang holiday season.

Luv, luv, luv na lang dapat si Jenine kay Elmo dahil maligaya naman si Janella sa piling ng ka-loveteam, huh!

Read more...