Jodi Sta. Maria: Grabe, imagine tumagal ako ng 20 years sa showbiz!

JODI STA. MARIA

JODI Sta. Maria cannot answer with finality kung hanggang kailan siya mananatili sa showbiz.

“Right now I really don’t know but ang masasabi ko lang is I would say na for a long time as long as tatanggapin pa rin ako ng mga tao because acting and performing, these are two things that I am really passionate about.

“Na kapag ginagawa ko siya ay ibinibigay ko ang buong puso ko, ‘yung heart and soul ko nandoon,” say ni Jodi sa presscon ng Sana Dalawa Ang Puso na pinagbibidahan niya with Robin Padilla and Richard Yap.

Naka-20 years na pala sa showbiz si Jodi and she’s grateful na nagtagal siya.

“I only have gratitude in my heart that I lasted this long in the business and I know that 20 years is still relatively new compared to the others na ang tagal sa industriya.

“I am very grateful not only to ABS-CBN kasi inalagaan nila ako but I am also grateful to God kasi parang feeling ko ay we can do everything pero si Lord talaga ang nagbibigay ng success sa atin,” she added.

Read more...