Alaska Aces dinurog ang Kia Picanto

Mga Laro sa Miyerkules
(Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Phoenix Petroleum vs Rain or Shine
7 p.m. TNT KaTropa vs Blackwater Elite
Team Standings: San Miguel Beer (3-0); Magnolia (3-1); Blackwater (2-1); Phoenix (2-1); Barangay Ginebra (2-1); Alaska (2-2); NLEX (2-2); TNT (1-2); GlobalPort (1-2); Meralco (1-2); Rain or Shine (1-1); Kia (0-4)

IPINALASAP ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na pinakamasaklap na kabiguan sa Kia Picanto matapos iuwi ang pampataas moral na 102-65 panalo sa pagpapatuloy ng eliminasyon Linggo sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ibinuhos ng Aces ang pinakamalakas nitong pasabog sa ikatlong yugto sa paghulog ng kabuuang 36 puntos habang pinosasan lamang sa isa sa rekord sa pinakamababang iniskor ng isang koponan sa liga na limang puntos sa loob ng isang yugto ang Picanto upang itala ang ikalawang sunod na panalo sa loob ng apat na laro.

Sinandigan ng Aces ang rookie na si Jeron Teng na umiskor ng kabuuang 23 puntos, siyam na rebound, dalawang assist at isang steal upang itulak ang Aces sa 2-2 panalo-talong kartada.

Ipinalasap din ng Aces ang ikaapat na sunod na kabiguan sa Picanto sa ginaganap na kumperensiya gayundin ang ika-16 diretsong pagkatalo simula pa noong nakaraang season na pinakamatagal na losing streak ngayon sa liga sa nakalipas na dekada.

“I thought our defensive energy was a little undirected in the first half and in the second half, it was a little more focused,” sabi ni Aces coach Alex Compton. “And it was one of those nights when Kia missed some shot, we got it going a little bit.”

Itinala pa ng Aces ang pinakamalaki nitong abante sa 40 puntos habang isinagawa ang biggest scoring run sa diretsong 27 puntos. Mayroon din itong 32 puntos mula sa turnovers, 62 puntos sa points in the paint, 17 puntos sa second chance points, 27 puntos sa fastbreak points at 53 bench points.

Sa ikalawang laro, nasolo ng Magnolia Hotshots ang ikalawang puwesto sa team standings matapos nitong tambakan ang NLEX Road Warriors, 105-94.

Kumamada si Paul Lee ng 21 puntos kabilang ang 4-of-6 3-point field goal shooting para pamunuan ang Hotshots na umakyat sa 3-1 kartada.

Gumawa naman si Kiefer Ravena ng 31 puntos para pangunahan ang Road Warriors na nahulog sa 2-2 record.

Read more...