TINAWAG ni Sen. Panfilo Lacson na dobleng kapal ng mukha ang ilang miyembro ng Kamara na nagsusulong ng charter change para mapalawig ang kanilang termino.
“Dapat pala ang sinabi ko, dobleng kapal ang mukha,” sabi ni Lacson.
Ito’y matapos umalma ang ilang mambabatas nang tawagin niyang “makakapal ang mukha” dahil sa iginigiit na constituent assembly (con-ass) para maamyendahan ang Konstitusyon.
“Pasensya na kay Cong Castro kung nasaktan siya sa sinabi ko na makakapal ang mukha ng mga hindi makapagpigil magsabi na gagamitin nila ang Charter change para – 1) mapalawig ang termino nila at; 2) wala nang eleksyon,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter.
Nauna nang sinagot ni House Deputy Speaker Fredenil Castro ang naging pahayag ni Lacson.
Binatikos ni Lacson ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte na nagpapalutang ng no election sa 2019 para mapanatili sa kanilang puwesto.
READ NEXT
Pimentel iginiit na dapat i-refund ng Sanofi ang P3.5B na ibinayad para sa Dengvaxia vaccine
MOST READ
LATEST STORIES