ISA nang ganap na batas ang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion, at ngayon ay ipinatutupad na ang excise tax sa oil products, na magtataas sa presyo ng mga ito.
Doon naman sa “basic goods”, bahagya o sentimo lamang, gayon din sa serbisyo ng kuryente dahil sa “coal tax”. Ang pasahe sa jeep ay tataas sa P12 mula sa dating P8. Tataas din ang pasahe sa bus, taxi at UV express.
Pero, ang kakaiba ngayon, lahat ng pa-milyang manggagawa ay nakatikim ng “across the board wage increase” mula sa gobyerno. Bawas na ang personal income tax ng P250,000, kayat lumaki ang kanilang take home pay.
Nawala o maliit na lang ang witholding tax ng mga empleyado mapa-gobyerno man o pribado. Ang pinakamababang sinoli ay P50,000 sa isang taon o P4,000 isang buwan, isama mo ang libreng tax sa bonus at 13th month pay.
Masasabing kargado ang wallet ng bawat pamilya ngayon sa mga tataas na presyo ng bi-lihin. Kailangan lang bantayan at ipakulong ng gobyerno ang mga oportunistang profiteers.
Kung tutuusin, ang ibinalik na witholding taxes na P170 bilyon ay direktang “financial injection” o tulong ng gobyerno sa bawat pamilya ng mga nagtatrabaho. Ngayon lang nangyari sa kasaysayan na nagbalik ng malakihang pera ang gobyerno sa working at middle class. At ito ay isang malaking ineksyon na rin sa ekonomya na kailangan nang umusad.
Sa panig ng mga employers, ang dagdag na take-home pay ng empleyado ay magpapahusay sa work environment. Mas aalagaan ng mga tao ang kanilang mga trabaho. Matutuwa ang mga employers.
Pero, kahit mga kumpanya ay makiki-nabang din sa pagbabawas ng corporate tax na ngayon ay 30 porisyento, isa sa pinakamataas sa Asya.
Hindi nakakapagtaka na walang pumapasok na mga foreign companies sa atin dahil sa taas ng buwis, bukod pa sa 60-40 ownership ruling ng Konstitusyon. Pareho tayo ng India na pinakamataas sa Asya ang corporate tax na 30 percent. Ang China, Japan, Malaysia, Vietnam, at Myanmar ay 25 percent ang corporate tax. Samantalang ang Indonesia ay may floa-ting corporate tax na 12.5 hanggang 25 percent at ang South Korea ay may floating 11 hanggang 24 percent. Ang Laos ay 24 percent habang ang Thailand at Cambodia ay tig-20 percent ang Corporate tax. Pinakamababa ang Singapore na 17 percent at Hongkong na 5 percent. Halos walang tax evasion sa mga bansang ito at sana’y dito rin sa atin. Kung bababa sa 25 percent ang corporate tax maraming investor ang papasok dahil sa strategic location at ang English proficiency at galing ng ating mga empleyado at managers.
Ibig sabihin, mas maraming trabaho ang darating mula sa mga bagong foreign investors, lalo’t naamyendahan ang 60-40 rule sa Konstitusyon. Kapag ibinaba ang corporate tax mula 30 sa 25, ang mga kumpanyang madaragdagan ng 5 percent income ay makakapag-expand ng operations at siyempre kasama na rito ang pagdagdag ng sweldo at benepisyo sa kanilang mga empleyado.
Sa kabuuan, ang P170B “across the board wage increase” sa mga empleyado, at ang pagbawas ng “corporate tax” ang dalawang matitinding gatilyo na magpapagulong sa a-ting ekonomya. Ma-kabagong transportasyon, maraming benepisyo sa taumbayan sa edukasyon, kalusugan, maraming trabaho at masiglang negosyo. Dati, puro mayayaman lang ang nakikinabang, ngayon pati working at middle class di na maiiwan.
P170-B Across the Board wage increase ng TRAIN
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...