Kontrabidang hunk actor binansagang Boy Singhot for All Seasons

MARAMI nang oportunidad ang dumarating sa isang hunk actor. Kahit pa sabihing puro kalaban ng bida ang mga papel na ibinibigay sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang kanyang career.

Napakaraming artistang nganga ngayon, walang trabaho, kaya napakasuwerte ng hunk actor na ito na araw-araw na napapanood sa isang serye at sa mga pelikula.

Pero may mga proyekto o wala ay isa lang ang napapansin ng kanyang mga kasamahan, hindi pa rin maingat sa kanyang hygiene ang hunk actor, palagi pa rin siyang tinatawag na Boy Singhot.

Hindi siya nagbibisyo, wala siyang sinisinghot na kung anu-anong ipinagbabawal, ang sinisinghot lang niya ay ang kanyang sipon na parang umulan at umaraw ay inaalagaan pa rin niya.

Kuwento ng aming source, “Wala kang maipipintas sa ugali ng lalaking ‘yun, magaling siyang makisama, walang ere, masarap siyang katrabaho dahil wala sa vocabulary niya ang mag-inarte.

“Basta, trabaho lang siya nang trabaho, nakikinig siya sa instructions, puro take one din siya, dahil ang galing-galing na niyang umarte ngayon.

“Kahit ano pa ang ipagawa mo sa kanya, e, buwis-buhay ang taong ‘yun, very professional siya, kaya mahal siya ng production staff at ng mga co-actors niya,” simulang papuri ng aming impormante sa magaling na character actor.

Isang-isa lang ang napapansin ng kanyang mga nakakatrabaho, hindi siya nawawalan ng sipon, tag-ulan at tag-araw ay may sipon siya na parang ayaw mang-iwan sa kanya o ayaw niyang iwanan.

Pagkukuwento uli ng aming source, “’Yun lang, talagang forever na yata siyang tatawaging Boy Singhot dahil sa pagkakaroon niya ng sipon all year round.

“Kung bakit naman ayaw siyang hiwalayan ng sipon niya, talagang Boy Singhot For All Seasons na yata ang dapat niyang maging titulo. Bakit nga kaya mahal na mahal siya ng virus?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong magegetlak n’yo agad kung sino siya! Ayaw ni Panday ng ganyan!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

READ NEXT
Fasting
Read more...