E-cigarette bad influence sa bagets

MAY masamang resulta ang paggamit ng e-cigarette lalo na sa mga kabataan.

Lumalabas kasi sa isang malawakang pag-aaral sa Canada na ang mga high school student na gumagamit ng e-cigarettes ay mas maagang natututong manigarilyo.

Sa pag-aaral, sinuri ang 44,163 estudyante sa grade 9 hanggang 12 sa 89 eskuwelahan mula sa Ontario at Alberta sa Canada.

Tiningnan ng mga mananaliksik ang paggamit ng e-cigarette sa pagsisimula ng pag-aaral noong 2013/14 (phase 1) at sa isinagawang follow-up noong 2014/15 (phase 2) sa 87 eskuwelahan.

Iginrupo ang mga estudyante sa anim na kategorya: current daily smokers, current occasional smo-kers, former smokers, experimental smokers, puffers at those who had never tried smoking.

Sa pag-aaral sa parehong phase 1 at phase 2 na ang mga estudyante na gumagamit ng e-cigarette 30 araw bago ang pagsisimula ng pag-aaral ay mas mataas ang tsansa na manigarilyo at magpatuloy sa paninigarilyo matapos ang isang taon.

“Youth may be trying e-cigarettes before smoking because they are easier to access: until recently, youth could legally purchase e-cigarettes without nicotine, whereas regular cigarettes cannot be sold to young people under 18 years of age,” sabi ni Dr. David Hammond ng School of Public Health and Health Systems, University of Waterloo sa Waterloo, Ontario.

Bagamat nabatid ng pag-aaral ang malakas na ebidensiya na nagpapahiwatig na ang paggamit ng e-cigarette ng mga kabataan ay pinagsisimulan ng paninigarilyo hindi naman naging malinaw ang kanilang kaugnayan.

“E-cigarettes may help to re-normalize smoking; however, the association between e-cigarettes and smoking may simply reflect common factors rather than a causal effect: the same individual and social risk factors that increase e-cigarette use may also increase the likelihood of youth smoking,” dagdag pa ni Dr. Hammond.

Tiningnan din ng nasabing pag-aaral ang epekto ng e-cigarette sa pagsisimula ng paniniga-rilyo at ang hindi paghinto sa pagsisigarilyo kung saan iminungkahi ng grupo na kailangan pa ang masusing pananaliksik para matuklasan pang mabuti ang kaugnayan ng e-cigarette at sigarilyo.

Ang mga resulta ng nasabing pag-aaral ay inilathala online sa CMAJ (Canadian Medical Association Journal).

Read more...