Flu shot kada taon proteksyon ng matatanda


NAKATUTULONG ang flu vaccine kada taon para mapababa ang tindi ng virus na posibleng tumama sa mga matatanda na may edad 65 pataas.

Gayundin, pinapababa nito ang posibilidad na ma-confine sa ospital, ayon sa pinakahuling research na inilathala naman ng Canadian Medical Association Journal.

Pinag-aralan ng isang grupo ng mga Spanish researchers ang epekto ng regular na pagpapabakuna ng flu vaccine sa mga taong may edad na 65 pataas na na-admit sa 20 iba’t ibang ospital sa Spain tuwing winter noong 2013 hanggang 2015.

Sinama ng mga scientists ang 130 inpatients na may severe influenza at 598 na may non-severe influenza.

Kumpara sa mga hindi nabigyan ng flu vaccine, 31 porsiyentong epektibo ang flu shot at nakaiwas ang mga ito sa confinement sa ospital.

Umabot naman sa 74 porsiyento ang nakaiwas na ma-admit sa intensive care unit at 70 porsiyento naman ang hindi namatay.

Nadiskubre ng mga mananaliksik na dobleng epektibo ang regular na flu vaccination para maiwasan ang severe influenza.

Epektibo rin ang flu vaccine kahit hindi panahon ng flu, kahit anong uri ng virus at edad ng pasyente.

Base sa pag-aaral, wala lang epekto ang pagpapabakuna sa mga matitin-ding kaso ng influenza na ngayon lamang nagpabakuna.

Ayon pa sa mga pag-aaral, makakaiwas sa seryoso at nakamamatay na virus kung regular na nagpapabakuna ang mga pasyente taon-taon.

Read more...