ALAM mo ba na ang matagal na pag-upo ay masama sa iyong kalusugan?
Base sa bagong pag-aaral, nakahanap sila ng dagdag na ebidensiya na hindi talaga mahusay sa katawan o kalusugan ang matagal na pag-upo, lalo pa’t ito pala ang dahilan kung bakit nagiging fatty o mataba ang internal organs ng isang tao.
Sa ginawang pag-aa-ral ng NIHR Leicester Biomedical Research Centre sa 124 participants na kandidato na magkaroon ng high risk type 2 diabetes, sinukat ang oras ng kanilang pag-upo.
Pinasuot ang mga participants ng accelerometer na ikakabit sa kanilang mga baywang sa loob ng pitong araw na siyang susukat ng dami ng oras ng kanilang pagkakaupo, habang sinusukat naman ng group of researchers ang dami ng taba sa liver, inner (visceral) at outer (subcutaneous) fat layers, at kabuuang abdominal fat gamit ang magnetic resonance imaging (MRI) equipment.
Nakita ng mga ma-nanaliksik na kahit pa ikonsidera ang edad, ethnicity at physical activity levels ng bawat participant, basta ito ay umupo nang mahabang oras sa buong isang araw, mas mataas ang tsansa na maging mataba ang kanyang liver, inner (visceral) fat at total abdo-minal fat.
Dahil dito ini-rerekomenda na magkaroon ng 150 minuto kada linggo ng moderate
intensity physical activity, gaya ng pag-eehersisyo ay makapagdudulot kahit konting proteksyon laban sa di magandang epekto ng pag-upo nang matagal.
“We know that spending long periods of time sedentary is unhealthy and a risk factor for chronic illnesses, such as type 2 diabetes and heart disease. Likewise, the amount of fat deposited around our internal organs may also predispose us to these diseases,”
pahayag ng lead researcher na si Dr. Joe Henson said.
Base sa mga nauna pang pag-aaral, ang matagal na pag-upo ay maaring makapagdulot ng blood clots, obesity, cardiovascular disease, at mabilis na pagtanda.
May ilan namang pag-aaral ang nagsabi na dapat bawasan ang pag-upo kaysa magdagdag ng mabibigat na ehersisyo para mas maging healthy.