Gerald adik na adik kay Bea; dedma lang sa pangnenega ng mga inggitera


“THEY both do it naman,” sey ng source namin sa pinag-usapang pagdalaw ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo sa shooting ng bagong movie nito kasama sina papa Derek Ramsay at Paulo Avelino.

Pagpapatunay nga raw na talagang inlabey na inlabey ang dalawa since last year pa. Kahit naman daw si Bea ay dumadalaw sa set ng soap o ibang project ni Ge para lang din kumustahin, sunduin o dalhan ng food.

Normal na nga raw itong gawain ng mga nagmamahalan lalo pa’t nasa iisang circle lamang sila.

Pinatutunayan lang nina Bea at Gerald na kahit busy sila ay may time pa rin sila sa isa’t isa at wala rin silang paki kung anuman ang sabihin ng ibang tao sa kanilang relasyon.

Read more...