Richard Yap umaming nag-wish ng: Sana dalawa ang puso ko!


MORE than two years ding hindi nagkasama sa isang project sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria na sumikat bilang Sir Chief at Maya sa Be Careful With My Heart.

Now, after more than two years ay nagsama silang muli sa TV series na Sana Dalawa Ang Puso at ka-join nila sa cast ang action superstar na si Robin Padilla.

Of course, Richard was asked kung ano ang na-miss niya sa tambalan nila ni Jodi.

“For me, ‘yung parati kaming nagkukuwentuhan, nagtatawanan kami. Noong umpisa kasi ng Be Careful With My Heart, parati kaming kumakain together. ‘Yun ang nami-miss namin. Since masyado kaming tumaba doon nagsabay-sabay kaming nag-diet. Ngayon, kuwentuhan at puro tawanan, ‘yung ang nami-miss ko sa samahan namin. So, now we’re back to that,” Richard said.

“For me, parang we just picked-up where we left off. Parang hindi naman nagkaroon ng lull in between. Gano’n pa rin, masaya. Siyempre I’m always happy to be working with Jodi kasi komportable kami sa isa’t isa. I find it a very exciting project also especially for Jodi na dalawa ang pino-portray niya. It’s a new challenge for all of us,” dagdag pa ng aktor.

Did he wish na sana dalawa ang puso niya?

“Siguro noong bata pa ako. Noong high school, marami kang crush, eh. Feeling mo sana dalawa ang puso ko. Pero kapag nag-mature ka hindi na.”

q q q

Talaga namang tinutukan ng sambayanan ang tinaguriang “gabi ng La Luna Sangre” ma-tapos itong pumalo sa national TV rating na 31.7% kumpara sa kalaban na may 17.3%, base sa Kantar Media.

This was after naganap ang pinakahihintay na paghaharap-harap nina Jacintha (Angel Locsin), Sandrino (Richard Gutierrez), Malia (Kathryn Bernardo), at Tristan (Daniel Padilla) noong Martes (Jan 9) sa La Luna Sangre.

Makapigil hininga ang bakbakan sa pagitan nina Jacintha at Sandrino ngunit pinakatumodo na ang tensyon nang kagatin ni Sandrino si Tristan.

Laking gulat ni Jacintha sa nasaksihan at bagamat may pag-aalangan ay pinili niya pa rin ang kapakanan ang sangkatauhan at tuluyang binaon sa puso ni Tristan ang pangil ng lobo.

Samantala, mangiyak-ngiyak naman si Malia nang yakapin ang wala ng buhay na katawan ni Tristan.

Read more...