‘May nakikialam sa hiwalayang JC Santos-Teetin Villanueva!’

MAY nag-react sa sinulat namin dito sa BANDERA tungkol sa paghihiwalay nina JC Santos at stage actress girlfriend na si Teetin Villanueva. Ayon sa aktor ay career ang isa sa dahilan ng kanilang break-up.

Malinaw ang pagkakasulat namin na hindi na nagulat ang ilang katoto at kasama na nga kami roon sa pag-amin ng aktor na naghiwalay na sila ng kanyang karelasyon.

Ayon sa isang kaibigan nina JC at Teetin na super close raw sa dalawa alam daw ng mga taga-teatro kung anong nangyari sa relasyon ng dalawa.

Unang nakipag-chat sa amin ang nagpakilalang kaibigan nina JC at Teetin kaya in-entertain namin siya. Ipinaliwanag niya na alam daw sa theater industry ang paghihiwalay ng dalawang kasamahan nila.

Pinayuhan pa nga niya kaming kontakin ang ex-girlfriend ng lead actor ng pelikulang “Mr. & Mrs. Cruz” para kunan ko rin ng pahayag.

Okay naman sana, kaso naisip namin na huwag na lang dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan noong may nasulat kami tungkol sa isang senaryo sa press night ng “Ako Si Josephine, The Musical” at itinanggi niya. Dinedma na namin ang stage actress simula noon.

Binanggit namin ito sa kaibigan ni Teetin, diniretso namin siya na hindi kami okay ng dating karelasyon ni JC. Sagot niya, baka raw nagkamali kami ng interpretasyon sa dalaga. Okay fine, whatever! But still we don’t want to get in touch with her anymore since umamin na rin naman si JC na wala na sila, tapos na!
Hindi rin naman kasama sa pelikula si Teetin at wala naman kaming personal na pagkakaibigan kaya deadma na lang.

Ang hindi lang namin nagustuhan sa kaibigan ng mga taong involved sa isyu ay ang pakikialam niya sa sinulat namin gayung hindi naman siya direktang sangkot sa isyu. At ang mas nakakaloka, may halo pang pananakot ang mensahe niya sa amin.

Aniya, kapag daw isi-nulat namin ang mga karagdagang impormas-yong sinabi niya tungkol kina JC at Teetin nang walang pahintulot niya ay sa korte raw kami magkita!

Wow! Afraid naman ako! Hindi pa nga tayo nagkikita at nagkakakilala nang personal may pananakot na?
Sabi pa ng pakialamerong ito, para raw ma-tapos na ang pagsusulat namin ng maling paratang ay nakaantabay daw siya sa lahat ng isusulat namin?

Ang nakakaloka pagkatapos niyang sabihin na magkita kami sa korte ay bigla niya kaming binlock sa messenger at nag-deactivate ng account. Ano ‘yun?

Read more...