Koreanong magician sa PGT sinermunan ni Robin: Handa akong mamatay para sa bayan ko! Ako ang hari rito!

SA kabila ng pamba-bash sa kanya ng mga netizen, pinanindigan ni Robin Padilla ang naging desisyon niya sa isang episode ng Pilipinas Got Talent.

Sinermunan kasi ni Binoe ang isang Koreanong contestant nitong nakaraang Sabado dahil hindi ito marunong magsalita ng Tagalog. Bago pa man magsimula sa kanyang ma-gic trick si Jiwan Kim sa stage ng PGT ay ayaw na siyang payagan ng isa sa mga judge ng talent search.

Pinayuhan niya itong mag-aral munang mag-Tagalog bago mag-perform sa PGT, hindi raw sila ang mag-a-adjust para sa mga foreigner na contestant na 10 taon nang naninirahan sa Pilipinas pero hindi pa rin marunong mag-Tagalog.

Dahil dito, nag-trend si Binoe sa Twitter with the hashtag #PGTisLife.
Humingi naman ng paumanhin ang Koreano at nangakong kakaririn niya ang pagta-Tagalog. Sa ending, aprubado pa rin sa tatlo pang PGT judge ang Korean magician.

Sa presscon naman ng Sana Dalawa Ang Puso, ang bagong teleserye ni Robin sa ABS-CBN kasama sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria, natanong ang action superstar tungkol sa naging hugot niya sa PGT.
“Wala akong pinagsisisihan kasi ako pumupunta rin ako sa ibang bansa at pag pumunta ako sa ibang bansa pinipilit kong malaman kung ano ‘yung salita doon kasi bisita ka eh, ikaw ang makikibagay.

“Kung pumunta ka dito sa Pilipinas at uutusan mo kami at i-Ingelisin mo kami sa banyagang pananalita ay baka nagkakamali ka kasi bayan ko ‘to at handa akong mamatay anytime para sa bayan ko,” dugtong pa ni Binoe.

Hirit pa niya, “Kaya kung sasabihin mo sa akin na 10 taon ka na dito at hindi ka pa rin marunong mag-Tagalog aba eh may problema ka at hindi mo pwedeng sabihin sa akin na mahal mo ang Pilipinas. Sabi niya mahal niya ang Pilipinas eh at may girlfriend siyang Fili-pina pero hindi siya marunong mag-Tagalog?

“Hindi ko naman siya inaway, sinabihan ko lang siya na parang tatay niya. Sabi ko sa kanya ako para mo akong tatay mo. Meron akong kilala dito Korean si Ryan Bang mas magaling pa sa akin mag-Tagalog. ‘Yun lang naman advice lang sa kanya,” aniya pa.

Ano naman ang masasabi niya sa mga bashers na bumabatikos sa kanya, “Ay ganu’n talaga, eh di mahalin nila ‘yung Korean kung gusto nila. Wala namang problema sa akin ‘yun eh, magpakamatay sila sa Koreano kung gusto nila.”

Hirit pa ni Robin, “Iba ‘to eh kasi 10 taon na siyang nandito sa Pilipinas. Kung tayong mga Pilipino eh hindi tayo magiging patriotic sa bansa natin ay huwag ta-yong humingi ng pagbabago. Eh tayo kung mananatili tayong alipin ng dayuhan eh kayo na lang, hindi ako magpapaalipin sa dayuhan, sa bansa ko?
“Hindi mangyayari ‘yun. Ako ang hari dito dahil bansa ko ‘to. Eh ngayon kung nasa Korea ako eh di ganoon tayo (kasabay ng Korean finger heart), di ba?” aniya pa.

Samantala, marami ring hugot si Binoe sa bago niyang teleserye, ang Sana Dalawa Ang Puso kung saan first time niyang makakatambal si Jodi na gumaganap ng dual role sa kuwento. Next issue, ibabahagi namin sa inyo ang mga nakakaloka ngunit nakaka-inspire na mga kuwento ni Binoe.

Mapapanood na ito ngayong January sa ABS-CBN.

Read more...