Sharon, KC nilalait sa socmed, mag-inang ksp daw

MARAMI ang nanlalait ngayon sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa social media dahil kung hindi raw puro emote sa personal na buhay ang mga ipinos-post nila, ay kung anik-anik na throwback pictures/moments daw ang laman ng accounts nila.

Masyado raw papansin ang magnanay. Halatang pilit na pilit daw ang kanilang bonding moments na idinadaan na lang nila sa social media.

Lalo na pagdating daw sa pagiging sexy dati ni Mega na para ngang naiwan sa nakaraan ang layunin nitong maibalik sa dati ang kanyang katawan.

Hayan tuloy marami ang nagtatanong kung kahit ba noong araw ay seksi o naipakita nga ba ni Shawie ang kaseksihan niya?

Ma at pa lang ang sagot namin dahil ang kilala naming Sharon dati ay super smart na aktres at isag box-office queen with several best actress awards. Walang sexy-sexy. Ha-hahahaha!

Read more...