MODEL Sasha Tajaran found herself embroiled in a controversy dahil may mga fans sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na nagpaparatang na nilalandi niya ang actor.
Lumabas sa isang website ang akusasyon ng fan kay Sasha.
“Paki explain nag date ba kayo ni Matteo sa Cebu? Totoo ba yun?”
“Kasi gumagawa sila ng issue eh. Alam mo naman na may girlfriend siya diba?”
“Huyy, nilalandi mo ba si Matteo? Like ka ng like ng pictures niya. Hindi ka ba nahihiya sa GF niya?”
“May nakakita daw sa inyo eh, may nagsabi na fan.”
To straighten things out, nag-react si Sasha and explained everything.
“I saw him in craftcafebar in Cebu nung Dec. 24. We didn’t even talk. I was partying with my co models. I just said hi to him from afar but he didn’t even recognize me coz he was drunk already. And I now better to date a guy who has a GF. I barely get out of the house. So who ever made that issue God will deal with them,” she said.
“I know @matteoguidicelli kasi kasama ako sa movie na The Crescent Moon. And Mat was the lead actor.
I know may GF sya and he loves Sarah. So please wag niyo ko damay sa mga walang kwentang issue. Di kami nag date. Di ko din nilandi si Mat. At may boyfriend ako para sa kaalaman niyo,” she added.
Ayun, fans ang inaway ng netizens for believing and spreading the rumor between Sasha and Matteo.
“Mga aning din tong fans ni Sarah. Kundi sa boyfriend sa friends naman nanggugulo like bakit hindi kayo magkasama? Bakit wala siya sa party? blah blah.”
“OMG yung mga fans. Ang kakapal ng fez!”
“Stick to one si Mat. Hindi nya gagawin yun kay Sarah.”
“Jusme! Hirap maging celebrities! Lahat ng makikita sa yo may explanation. Hahahaha.”
“Pati walang kamalay-malay na model tinitira n’yo. Nakakahiya! Kanino ba magre reflect ang mga ganyang asal nyop kundi kina Sarah G at Matteo din. Think before you click! Hindi lahat ng napapanood natin sa mga video sa social media totoo at may malisya!”
So, ang katulad ni Matteo na high-profile celebrity pala, kapag nakitang may kausap na ibang babae lalo pa’t sexy ay playboy na agad-agad? Nakakaloka ang fans minsan, ha, masyado silang feeling.