Dingdong nagtagumpay sa buwis-buhay na pag-akyat ng Benguet gamit ang motorsiklo

UMIRAL na naman ang pagiging adbenturero ni Dingdong Dantes. Bumiyahe siya papuntang Benguet at narating ang lugar na Highest Point sa Atok, sa pamamagitan lang ng motorsiklo.

Ipinagmalaki ng aktor ang bagong achievement kasama ang ilang mga kaibigan na puro nakamotor din.

Pagmamalaki ni Dong sa kanyang Instagram post, “630 kilometers and 36 hours on 2 wheels with @theeuromonkeys.”
Of course, walang dapat ipag-alala ang asawang si Marian Rivera sa nakakakabang biyahe na ito ng asawa. Big motorbike naman ang sinakyan niya na kinahiligan ng Kapuso Primetime King noon pa mang binata siya, huh!

Dumaan ang grupo ni Dong sa isang bar na may nakalagay na Eat Drink Play at nahuli pa siyang kumakain ng balut!

 

Read more...