Sylvia Sanchez pinaiyak nang todo si Roselle Monteverde

 

 

HINDI napigilan ni Roselle Monteverde ang umiyak nang panoorin ang rough copy ng upcoming Regal movie na “Mama’s Girl.” Panay ang singhot niya habang pinapanood ang pelikulang pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Sanay nang makapanood ng drama movies si Roselle pero ngayon lang daw tumagos sa puso niya ang kuwento ng “Mama’s Girl.” Sumaludo siya sa galing ni Sylvia at bumilib din sa millennial cast na sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jameson Blake at iba pa.

Eh, ang ganda rin kasi ang feedback ng mga tao sa trailer ng movie na matapos ilabas sa social media ay humamig na ng 3.5 million views. Binigyan din ng PG rating ng MTRCB ang movie kamakailan kaya naman super happy si Roselle.

Read more...