Bato nangakong hindi magiging madugo ang pagbabalik ng Oplan Tokhang | Bandera

Bato nangakong hindi magiging madugo ang pagbabalik ng Oplan Tokhang

- January 12, 2018 - 03:30 PM

NANGAKO si Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na hindi na magiging madugo ang Oplan Tokhang sa harap ng paghahanda ng PNP sa muling pagbabalik ng kampanya kaugnay ng kontrobersiyal na gera kontra droga ng administrasyon.

“Ang kaibahan [ng kampanya ngayon] is siniguro namin na at patuloy na sisiguruhin na totoong Tokhang ang gawin hindi ‘yung pasukan ng kalokohan ng pulis,” sabi ni dela Rosa matapos ang turnover ceremony ng mga  police car at K-9 units sa Malinta, Valenzuela City.

Ito’y matapos namang muling payagan ni Pangulong Duterte ang PNP na manguna sa kampanya kontra droga.

“Actually, bloodless lang talaga ang Tokhang kasi ang spirit ng Tokhang, if implemented properly, is knock and plead lang eh,” dagdag ni dela Rosa.

Idinagdag ni dela Rosa na muling sisimulan ang Oplan Tokhang simula kalagitnaan ng Enero o bago matapos ang buwan..

Matatandaang noong Oktubre 2017, inalis ni Duterte sa PNP ang operasyon kontra droga matapos namang bumaba ang rating ng pangulo dahil sa sunod-sunod na pagpatay ng mga pulis sa mga menor-de-edad, partikular sina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo “Kulot” de Guzma.

Ibinalik naman sa pulis ang kapangyarihang magsagawa ng kampanya kontra droga noong Disyembre. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending