Palasyo tiniyak na tutuparin ni DU30 ang umento sa sahod para sa mga guro
TINIYAK ng Palasyo na tutuparin ni Pangulong Duterte ang pangako na tataasan ang sweldo ng mga guro sa kabila ng pagkontra ni Budget Secretary Benjamin Diokno.
“I am unequivocally stating that the President ordered everyone to study how to increase the salaries of teachers,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nauna nang sinabi ni Diokno na hindi prayoridad ng administrasyon ang pagbibigay ng umento sa sahod para sa mga guro.
“But what you need to note is that the President says he wants to increase the salary of teachers. He does not go back on his promises, he will increase the salary of teachers by as much as we can,” ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.