Ayon kay House committee on justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali nagpadala ng sulat si Carpio sa komite at sinabi na wala itong personal knowledge sa mga bagay kung bakit siya ipinatawag.
“Sumulat po siya na yung mga issues na hihingin sa kanya ng clarification Sinasabi niyang wala siyang personal knowledge,” ani Umali.
Ayon kay Umali, sinabi ni Carpio na wala itong personal na alam sa mga isyu ng paglilipat ng pagdinig ng kaso ng Maute sa labas ng Mindanao na hindi umano kaagad inaksyunan ni Sereno at ang pagtatayo ng Judiciary Decentralized Office sa halip na Regional Court Administrator’s Office gaya ng alam ng iba pang mahistrado.
Sinabi ni Umali na pag-uusapan ng komite kung wala ng bagay na kailangang bigyang linaw ni Carpio.
Sa Lunes ay itutuloy ng komite ang pagdinig sa impeachment ni Sereno.
Inaasahan na haharap sa komite sina SC Associate Justices Diosdado Peralta at Lucas Bersamin.
MOST READ
LATEST STORIES