Jackpot ng Ultra Lotto 6/58 umabot na ng P205M

Inaasahang aabot sa P205 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa P199.4 milyong jackpot prize noong Martes ng gabi kung saan lumabas ang winning number combination na 39-12-31-16-29-17.
Nanalo naman ng tig-P1,050 ang 1,091 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 22,248 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Linggo, Martes at Biyernes.

Read more...