PH idedepensa ang titulo sa 19th Asean Age Group Chess

IPAGTATANGGOL ng Pilipinas ang hawak na korona laban sa mga karibal sa rehiyon lalo na kontra sa 17-time champion Vietnam sa pagho-host ng bansa sa 19th Asean+ Age Group Chess Championships sa gaganapin sa Davao City sa Hunyo 17-27.

Ito ang inihayag nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president at Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. sa paglulunsad ng torneo kahapon kasama sina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey, Grandmaster Jayson Gonzales, AAG Coordinator James Infiesto at AAG founder Ignatius Leong.

“It is a very significant event considering that it will showcase the pillar of peace in the country. Just imagine the kids representing their country coming in here and playing in Mindanao. We can show to the whole world that the young players are not afraid to go in Mindanao,” sabi ni Pichay.

“Actually, Mindanao is a peaceful place. We’ve been safer with the Martial Law. Except for those that want to pursue their cause, Mindanao is a good place that is why we opted to stage the tournament in the so-called safest city in the country,” dagdag pa ni Pichay, na siyang kasalukuyang Asian Chess Confederation (ACC) president.

Umaasa naman si dating ACC president Leong na malalampasan ng pagho-host ng Pilipinas ang record sa bilang ng mga lumalahok sa torneo na 800 kabataan dahil na rin sa pagbabalik muli sa “direct title” na mapapanalunan sa mga nakatayang 14 kategorya na binubuo ng mga event sa rapid, blitz, standard at team.

Kasama rin na paglalabanan sa torneo ang side event para sa Senior na 50-above at 65-above.
Ang Pilipinas ang nagtatanggol na kampeon matapos na magwagi ng 83 gintong medalya nitong nakaraang taon sa Pahang, Malaysia upang putulin ang 17-taong pamamayani ng Vietnam.

Read more...