International Gamefowl Show magbubukas ngayon

5TH INTERNATIONAL GAMEFOWL FESTIVAL

Ang pinakahihintay na 3 araw na kapulungan ng mga gamefowl breeders, feed suppliers, gamefowl vet-meds producers, traders, mananabong at iba pang kaugnay na mga sektor ay mabunying bubuksan ngayon araw, Enero 12, sa SMX Convention Center Halls 3-4, Mall of Asia Pasay City ang tinaguriang The 5th International Gamefowl Festival.
Magbubukas ng alas-10 ng umaga tampok ang mga panauhing pandangal na si Senador Cynthia Villar, Games and Amusement Board Chairman Abraham Khalil Mitra, Bureau of Animal Industry Director Dr. Ronnie Domingo at si Pasay City Councilor of 1st District, Majority Floor Leader Mark Anthony Aguas Calixto.
Tatakbo hanggang sa Linggo, Enero 14, ang kaganapan ito ay ginaganap upang makapagbigay ng isang trade show na magtatampok ng mga pinakamahuhusay at mga iginagalang na mga breeder ng panabong na manok pati na ang kanilang mga palahi, mga patuka, gamot at bitamina, mga kagamitan, teknolohiya at mga serbisyo para sa industriya ng manok-panabong.
Magkakaroon ng mga auction, variety shows, mga pinakamagaganda at pinakamamagaling na lahi ng mga tinale sa kasalukuyan, libreng seminar sa sa lahat ng aspeto ng pabi-breed ng manok-panabong, business meetings at pagpapalitan ng mga kaalaman at mga kakaibang technique sa pagpaparami at pagpapalaki ng mga manok-panabong.
Ang mga bibisita ay makakabili o kaya ay makakapanalo sa mga parapol ng mga pinakamahuhusay na stags, inahen, mga sisiw at mga materyales na pam-breeding mula sa mga pinakasikat at iginagalang na mga gamefowl breeders sa buong bansa katulad nina Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddie Bong Plaza, Lancey dela Torre, Pao Malvar, Nene Abello, Joe Laureno, Rey Briones, Nestor Vendivil, Lawrence Wacnang, Joey Sy, Boy Jiao, Boy Tanyag, Pol Estrellado, Mayor Jesry Palmares, Bebot Monsanto, Alvin Ong, Bentoy Sy, Bernie Tacoy, Tan Brothers, Manny Dalipe, Tol at Lino Mariano, Boy Marzo, Frank Berin, Joey Salangsang, Sandy Saagundo at iba pa. Kasama din ang mga American breeders na sina Phil Sneed, Kelly Everly, Damon Yorkman, Nathan Jumper, Bruce Brown at iba pa.
Magkakaroon ng mga gamefowl shows, variety shows, daily raffle, pigeon seminars, Grand Bitawan Bayan Challenge, meet and greet Nutrena Idols, daily auctions sa kabuuan ng 3-araw na presentasyon.
Ang International Gamefowl Festival ay pinamamahalaan ng by DeltaMan tampok ang mga gold sponsors; CP Foods Phils. Corp, Scratch It, Thunderbird, Univet, Silver Sponsors; GMP, Metro Manila Fanciers Club, Nutrena at Sabong Nation kasama ang media partner na All Angles Media Corp. (Chicken Talk, Supersabong, Bagong Sabungero Magasin at Gamefowl Magazine).

Read more...