Alden, Maine balik-split-screen sa Bulaga, Aldub Nation umaasa pa ring may ‘Forever’

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

UMABOT na sa 130th weeksary ang AlDub loveteam. Nagagalak na rin ang AlDub Nation kahit na balik sa split-screen sa Eat Bulaga ang mga idolong sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Okay na sa kanila ang makitang nasa panel si Alden habang nasa Barangay si Meng at meron silang interaction paminsan-minsan. Abang-abang pa rin sila siyempre sa pasingit na pakilig ng dalawa kapag nakatiyempo, huh!

Kahit magkaibigan na lang ang dalawa, hindi pa rin nagbabago ang ADN sa pagmamahal sa dalawa. Ayaw pa rin nilang bumitaw at hindi nawawala ang pag-asa na sa ending ay sina Alden at Meng din ang magkakatuluyan.

Diyan ka bibilib sa mga loyal fans ng dalawa, di ba? Talagang di sila susuko sa laban.

Pero may endorsements pa namang nag-aabang kina Alden at Maine na magkasama. In fact, may gagawin silang event kaya pinaghahandaan na ‘yon ng ADN, huh!

Read more...