Magnolia Hotshots giniba ang Kia Picanto | Bandera

Magnolia Hotshots giniba ang Kia Picanto

Angelito Oredo - January 11, 2018 - 12:03 AM

Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Rain or Shine vs GlobalPort
7 p.m. Barangay Ginebra vs Blackwater

IBINUHOS ng Magnolia Hotshots ang ngitngit sa matinding opensiba sa second half ng laban habang pinosasan din ng depensa nito sa ikatlo at ikaapat na yugto ang nakasagupa na Kia Picanto upang itala ang 124-77 panalo kahapon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nakipaggitgitan sa naging pisikal na unang dalawang yugto ang Magnolia kontra Kia kung saan nagawa nitong kapitan ang 49-77 abante sa pagtatapos ng first half bago na lamang kumpletong binago ng Hotshots ang takbo ng labanan kontra Picanto sa second half.

Itinala ng Hotshots ang kabuuang 34 puntos sa ikatlong yugto at 43 naman sa ikaapat na yugto habang nilimitahan nito sa 11 puntos lamang sa ikatlong yugto at 17 puntos sa ikaapat na yugto ang Picanto tungo sa maigting na panalo na nagtulak dito sa pagsalo sa ikalawang puwesto sa kabuuang 2-1 panalo-talong kartada.

Nagawa naman ng Kia na itala ang pitong puntos na abante sa siyam na sunod nitong puntos sa unang yugto bago na lamang unti-unting kinapos sa huling bahagi ng laban upang malasap ang unang kabiguan para sa bago nitong coach na si Ricky Dandan at ika-15 diretsong kamalasan ng koponan sapul pa nitong nakaraang taong Governors’ Cup.

“We concentrated our defense on their wing man and then we put on our run and gun game that gives us this victory,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero.

Una naman nagtamo ng sugat si Mark Pingris ng Hotshots sa kaliwang pisngi matapos tamaan ng balikat ni Jackson Corpus ng Picanto habang inaagaw ang bola. Kinailangan na tahiin ang sugat bago nakabalik si Pingris sa laro at mag-ambag ng anim na puntos, limang rebound, dalawang assist at isang block.

Hindi nagtagal sa ikaapat na yugto ay si Corpuz naman ang nagtamo ng insidente na kung saan iniinda nito ang posibleng pagkabali ng kanyang kamay. Iniwanan ni Corpus ang laro na may nakolektang siyam na puntos, 13 rebound at tatlong assist.

Itinala ng Hotshots ang pinakamalaki nitong abante sa 47 puntos sa 122-75 sa huling dalawang minuto ng laro.

Nagtala ang Magnolia ng 27 puntos mula sa turnover habang mayroon itong 50 puntos mula sa points in the paint. Itinala rin nito ang 16 puntos mula sa second chance points pati na 30 puntos mula sa fastbreak points habang sinandigan din nito ang 91 puntos mula sa bench points.

Scores:
Magnolia 124 – Melton 23, Sangalang 21, Herndon 14, Lee 13, Simon 11, Jalalon 11, Ramos 7, Pingris 6, Gamalinda 6, Barroca 4, Pascual 4, Dela Rosa 2, Brondial 2, Mendoza 0, Reavis 0
Kia 77 – Reyes 12, Tubid 11, McCarthy 11, Celda 11, Yee 6, Paniamogan 5, Khobuntin 5, Jamon 3, Caperal 2, Sara 2, Ababou 0, Camson 0, Galansa 0
Quarterscores: 22-22, 49-47, 81-60, 124-77

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending