Deboto patay sa heart attack matapos umakyat sa Andas

PATAY ang isang lalaki matapos ma-heart attack sa taunang Traslacion ng Itim Na Nazareno kaninang umaga.

Sa ulat ng Manila Police District Criminal Investigation and Detection Unit, sinabi nito na umalis si Bureau of Jail Management and Penology Senior Jail Officer 4 (SJO4) Ramil dela Cruz, 51, sa prusisyon ganap na alas-11 ng gabi noong Martes at tumuloy sa bahay ng kaibigan sa Hidalgo st.

Pagdating sa lugar, idinaing ni Dela Cruz ang pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga at pagkahilo.

Sinabi ng testigong si Ruby Puzon agad siyang humingi ng tulong sa isang media at dinala si dela Cruz sa kalapit na first aid station para mabigyan ng karampatang lunas.

Ganap na ala-1 ng umaga nakaranas ng seizure at dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center at idineklarang dead on arrival. 

Nauna nang iniulat ng Radyo Inquirer na sumama si Dela Cruz sa Traslacion at nakaakyat pa sa Andas.

Read more...