Agad nasawi ang batang si Clarence Francisco dahil sa pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-4, sa bahagi ng Sungay Road na sakop ng Brgy. Sungay East.
Sakay noon si Clarence at kanyang inang si Katherine ng tricycle ma minaneho ng isang kaanak.
Tumayo umano ang bata habang umaandar ang tricycle pero nawalan ng balanse at nahulog sa labas, kung saan naman siya nabundol ng mga kasunod nilang sasakyan, ayon sa ulat.
MOST READ
LATEST STORIES