P7.8M nasungkit sa Isabela

Isang mananaya sa Isabela ang nanalo ng P7.8 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola kagabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 07-11-27-28-42-34. Ang nanalo ay tumaya sa Baligatan Public Market, Ilagan, Isabela. Lucky pick ang kanyang tinayaan, o ang lotto machine ang pumili ng numero para sa kanya. Siya ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo. Nanalo naman ng tig-P20,340 ang 29 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P350 naman ang 1,315 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 19,570 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...