MRT3 nasira ulit, pero ligtas daw sakyan

Pinababa ang may 620 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga matapos na masira ang pintuan nito.
Alas-5:37 ng umaga ng masira ang tren sa pagitan ng Ortigas at Shaw Boulevard stations south bound. Nagsisimula ang operasyon ng MRT ng alas-5:30 ng umaga.
 Nagkaroon umano ng problema ang electrical component ng tren kaya ibinabad ang mga pasahero sa Shaw Boulevard station at lumipat sa kasunod na tren.
Sa kabila ng mga aberya, sinabi ni Transportation Assistant Secretary  TJ Batan na ligtas ang pagsakay sa MRT.
Mas madalang na rin umano ang mga aberya sa tren mula ng kunin ng gobyerno ang maintenance service ng MRT 3 mula sa private service provider na Busan Universal Rail Inc. noong Nobyembre.
Mula sa average na 39 aberya kada buwan ay bumaba na umano ito sa 24.

Read more...