2-anyos nahulog sa trike, pisak sa mga kasunod na sasakyan | Bandera

2-anyos nahulog sa trike, pisak sa mga kasunod na sasakyan

John Roson |January 10,2018
facebook
share this

2-anyos nahulog sa trike, pisak sa mga kasunod na sasakyan

John Roson - January 10, 2018 - 07:01 PM
Nasawi ang 2-anyos na batang lalaki nang masagasaan ng mga sasakyan matapos mahulog mula sa isang tricycle sa Tagaytay City, Cavite, Martes ng hapon. Agad nasawi ang batang si Clarence Francisco dahil sa pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong alas-4, sa bahagi ng Sungay Road na sakop ng Brgy. Sungay East. Sakay noon si Clarence at kanyang inang si Katherine ng tricycle ma minaneho ng isang kaanak. Tumayo umano ang bata habang umaandar ang tricycle pero nawalan ng balanse at nahulog sa labas, kung saan naman siya nabundol ng mga kasunod nilang sasakyan, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending