“We are deeply saddened by the sight of garbage in Rizal Park where the procession of the venerated image began following an all-night vigil, and along the processional route,” ani Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition. “Our plea for a trash-less Traslacion remains an elusive dream.”
Sinabi ni Alejandre na mistulang hindi pinahalagahan ng mga deboto ang kalikasan sa kanilang pagkakalat habang humihingi ng himala sa Itim na Nazareno.
“The lack of environmental concern has again stained the awe-inspiring expression of faith and trust in the Black Nazarene that devotees ask for help to solve personal or family issues, including health and financial troubles that could have been caused or worsened by a degraded and polluted environment,” dagdag pa nito.
Bukod sa basura, marami rin ang umiihe kung saan-saan sa halip na maghintay na makapasok sa portable toilets na nakakalat sa lugar. Mayroon din umanong mga umiihe sa bote at iniiwan na lamang kung nasaan sila.
Marami ring itinapon na plastic bag at polystyrene food container na ipinagbabawal sa ilalim Manila City Ordinance 8282.
Nagpasalamat naman ang EcoWaste sa mga nagwalis at nagpulot ng kalat.
MOST READ
LATEST STORIES