Di bababa sa 262 katao ang nasugatan sa kasagsagan ng “traslacion,” o prusisyon, ng Itim na Nazareno sa Maynila, kung saan mahigit 1.4 milyon deboto ang dumagsa.
Sa datos ng National Capital Region Police Office, sinasabing humigit-kumulang 720,000 katao ang kasabay ng imahen habang binabaybay nito ang distrito ng Quiapo alas-5 ng hapon.
Hiwalay naman sa bilang ang tinatayang 760,000 kataong nakaantabay sa pagdating ng poon sa Basilica Menore, o St. John the Baptist Parish, sa ganoon ding oras.
Karamihan sa mga nasugata’y pawang mga natusok ang paa, nagalusan, o nagkapasa dahil sa giriang karaniwang nagaganap sa traslasyon, ayon sa pulisya.
Di pa kasama sa 262 sugatan ang daan-daang nilapatan ng lunas para sa altapresyon at pagkahilo.
Hiwalay naman sa bilang ang tinatayang 760,000 kataong nakaantabay sa pagdating ng poon sa Basilica Menore, o St. John the Baptist Parish, sa ganoon ding oras.