Alden inalala ang hirap at pagtitiis na dinanas noong walang-wala pa | Bandera

Alden inalala ang hirap at pagtitiis na dinanas noong walang-wala pa

Jun Nardo |January 10,2018
facebook
share this

Alden inalala ang hirap at pagtitiis na dinanas noong walang-wala pa

Jun Nardo - January 10, 2018 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

NAALIW ang netizens sa ipinost na video ni Alden Richards sa Instagram Stories kung saan may hawak siyang cake para sa selebrasyon ng birthday ng kanyang aso na si Globie, isang Siberian Husky.

My hawak na cake ang Pambasang Bae habang kaharap ang mahal na alaga.

Certified dog lover si Alden na ang turing niya sa aso ay anak na lalaki. Ipinost niya sa kanyang IG ang litrato nila ni Globie bilang pagmamalaki sa kanilang inspiring na relationship.

Samantala, sa isang video na ginawa ng Eat Bulaga para kay Alden, binalikan niya ang kanyang kinalakihang bayan ng Santa Rosa, Laguna. Inalala niya ang panahong binabaha ang lugar nila tuwing tag-ulan.

“Maliit lang ang bahay namin nun kaya…pero up to now tandang-tanda ko pa ang lahat ng detalye sa bahay namin kung saan ang sirang kisame, banyo, cabinet pagpasok kasi since artista na ako doon kami nakatira,” pag-aalala ni Alden.

Of course, tapos na ang panahong ‘yon na hirap sa buhay si Alden. As we all know, naipatayo na niya ang kanyang dream house kasama ang pamilya at wala nang inaalala na babahain at papasukin ng ulan ang kanilang bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending