Relasyon nina hunk actor at male star seryosohan na | Bandera

Relasyon nina hunk actor at male star seryosohan na

Cristy Fermin |January 10,2018
facebook
share this

Relasyon nina hunk actor at male star seryosohan na

Cristy Fermin - January 10, 2018 - 12:15 AM


UMIIKOT na ang kuwento tungkol sa seryosohang relasyon ng isang kilalang male personality at ng isang hindi na masasabing bagitong hunk actor dahil matagal na rin ito sa industriya.

Mahigpit kuno ang kapit ng hunk actor sa matagumpay na male personality, halos hindi na sila nagkakahiwalay, kahit sa ibang bansa ay magkasama silang nagbabakasyon.

Pero walang kahit sinong nagsasalita sa kanilang dalawa, deadma kung deadma lang ang kanilang drama, basta tuluy-tuloy lang ang maganda nilang pagtitinginan.

Isang source ang nagkuwento “May talent naman ‘yung hunk actor, magaling naman siya. Magaling siyang mamili ng kakaibiganin niya. May taste siya, lalo na ang bulsa niya!”

Malakas kasi ang dating ng mga usap-usapan na dati’y isang sikat na male personality rin ang palagi nitong kasama. Palagi silang magkasabay na dumarating sa gym, kumakain sa labas, namamasyal din silang magkasama sa malalayong probinsiya.

Patotoo naman ng isang impormante, “Magaling talaga siyang pumili ng makaka-close niya, mga sikat at nagbi-business ang gusto niyang kinakaibigan. Magaling talaga siyang pumili.

“Alam niya kung sino ang didikitan niya, kasi nga, e, wala naman siyang career, di ba? Nakakaloka siya, ha? Padenay-denay pa siya, e, pareho lang naman ang background ng mga pictures nila ni ____ (pangalan ng male personality).

“Paano nila maidedenay na magkasama sila, e, kambal ang background na nakikita sa mga pictures nila!” madiin pang kuwento ng source.

May mga nagdedepensa naman sa kanilang friendship ng male personality, malay raw naman ng mga nag-iisip ng ibang insinuwasyon, baka naman nagkakatulungan sila sa mga negosyo ng aktor?

“Sana nga, e, ganu’n ang nangyayari, dahil nakakaawa naman ‘yung aktor na napakatagal na nagsakripisyo para umayos ang buhay niya.

“Sana nga, e, nagkakatulungan sila, ‘yun sana ang totoong nangyayari at hindi sila nagkakalulungan sa pagmamahal,” natatawa na lang na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, di ba, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending