Cristine nag-alay ng dasal para layuan ng tukso ang asawa

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

MAY hugot si Cristine Reyes sa kanyang mister na si Ali Khatibi. Maaaring may pinagdaraanan ngayon ang mag-asawa base na rin sa mensaheng ipinost ng aktres sa Instagram.

Nag-alay ng dasal ang aktres para protektahan ang pagsasama nila ni Ali mula sa aniya’y mga “elemento” na maaaring sumira sa kanilang relasyon.

Isang litrato ang ipinost ni Cristine sa Instagram na kuha sa isang beach resort at nilagyan niya ito ng caption na: “Dear God, I pray for my marriage right now. Please guard my relationship with my husband and protect us against elements that tempt or taunt us to ruin what we have.”

Dugtong pa niya, “Convict our hearts when we are wrong or un-righteous, fill us with a passion to get better and bless us with a deep love for each other in Jesus name AMEN!”

Nagbakasyon sa Boracay nitong weekend sina Cristine at Ali kasama ang kanilang anak na si Amarah.

 

Read more...