Bagong album ni Alden sa GMA Records ‘limited edition’ lang

GIGI LARA, ALDEN RICHARDS, FELIPE YALONG AT RENE SALTA

MAGANDA ang pagpasok ng Bagong Taon para kay Alden Richards sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA Records nitong nakaraang weekend.

Kabilang sa contract signing sina GMA Network Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe Yalong, GMA Artist Center Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Lara at GMA Records Managing Director Rene Salta.

Inaabangan na ang bagong album ng Pambansang Bae at excited na rin siya para rito dahil ayon sa kanya, makabago at millennial ang magiging tunog nito.

Malaki ang pasasalamat ng binata sa GMA Records dahil patuloy ang paggabay nito sa kanya sa pagbuo ng nasabing album. Inamin din ni Alden na na-miss na niya ang mag-recording.

“GMA Records has been continuously researching and doing a lot of brainstorming kung ano yung mga project na ibibigay sa’kin, which I appreciate, dahil like what I’ve said before, hindi naman talaga ako kumakanta.
“And with their help, slowly, nahanap ko na yung fulfilment sa singing. So I’m happy that I’m still with GMA Records, it’s my 3rd year and I’m looking forward to more,” dagdag pa ng Kapuso singer-actor.

Bilib naman si Yalong kay Alden dahil kahit nasa digital age na ay patuloy pa ring tinatangkilik ang physical album ng Kapuso star.

“We are very happy especially GMA Records, kasi pumirma muli sa’tin ng kontrata si Alden. The last albums that he released, lahat ‘yan platinum kaya masaya kami na kasama pa rin natin siya sa GMA Records, and hopefully magkaroon ulit tayo ng concert this year,” dugtong ni Yalong.

Samantala, tuluy-tuloy na ang paghahanda sa bagong album ni Alden ayon kay Salta, “Ngayon, limited edition ang magiging album ni Alden and it will probably be a bundle sa upcoming concert niya na ipo-produce ng GMA Records.
“Kumpleto na ang album, but the recording is still in the process and it will contain 5 songs and syempre kasama yung praise songs na si Alden mismo ang pumili,” aniya pa.

Enero pa lang ay may sorpresa na agad sa kanyang fans ang Pambansang Bae, kaya siguradong mas marami pang aabangan sa kanya ngayong taon ang mga loyal supporters ng binata na kahit anong mangyari ay hindi siya pinababayaan.

Samantala, para naman sa AlDub Nation, siguradong meron na namang bagong niluluto ang nangunguna pa ring noontime show sa Asya, ang Eat Bulaga para sa inyo.
Wait-wait lang dahil tiyak na marami pa kayong dapat abangan kina Alden at Maine Mendoza this year sa Eat Bulaga.

Read more...