OBVIOUS na pinatutsadahan ni John Lloyd Cruz si Lolit Solis nang mag-post ito ng isang photo ng isang wedding place.
“Take it, take it” ang inilagay na message ni John Lloyd sa photo niyang iyon which was obviously a swipe to Lolit’s revelation na meron ng ilang details sa magiging kasal ng actor kay Ellen Adarna.
“May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal nina John Lloyd Cuz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February.
“Kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag christmas at New Year si John Lloyd. Among major sponsor daw Dr. Cuanang ng St. Luke’s at dating secretary na si Bert Romulo, tatay ni Roman at Mons. Bongga, sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen. So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love, bongga talaga dahil di ba kahit ano pa sabihin nila, na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal.
“Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya, hayy happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga.”
‘Yan ang pasabog na revelation ni Lolit. Sadly, ipinahiya siya ni John Lloyd dahil sa take it, take it statement nito which was an obvious patutsada dahil sa ginawa niyang scam sa Metro Manila Film Festival.
Maging si Beauty Gonzales, sa finale presscon ng Pusong Ligaw ay itinanggi ang isinulat ni Lolit.
“Di po sila ikakasal, wala pong kasal. I don’t need to clarify ‘coz I know if they’re gonna get married, they’re gonna call us. They’re gonna tell their friends. Si Joem (Bascon), close sila ni Idan (John Lloyd).
Ako close ako ni Ellen,” say ni Beauty sa isang interview.
Spell supalpal?