Kris umaming na-guilty sa hiwalayang Erich-Daniel: My only mistake was….!

 

KRIS AQUINO, ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

“NA-GUILTY ako!” Ito ang inamin ni Kris Aquino nang maghiwalay sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Parang kapatid na rin kasi ang turing ng Queen of All Media kaya talagang apektado siya sa lovelife ng aktres.

Alam ng lahat na sa morning show ni Kris noon na Kris TV nag-start ang love story nina Erich at Daniel, na nagsimula lang sa tuksuhan. “Kami nga ang nagpakilala at nag-udyok-udyok. Kasi gustung-gusto sila ni Bimb, silang dalawa,” ani Kris.

Pagpapatuloy ni Kris, “My only mistake, was, kasi I told her follow your heart. And ang nakalimutan kong sabihin do’n is follow your heart but use your mind ha. Nakalimutan ko yung ‘use your mind,’ ang nasabi ko lang ‘follow your heart.’”

Nang tanungin kung totoo bang may konek sa pera ang break-up ng dalawa, “Alam mo, never ko kasing nakita yung bad side because the guy has always been kind to me, to Bimbs, yung sister ang bait, the mother, the brother-in-law, so hindi ko alam what went wrong sa kanila.

“But maybe talaga, it’s for them, silang dalawa talaga – baka clash of cultures, yung ganu’n and all that,” pahayag pa ng Social Media Queen.

“Naawa talaga ako sa kanya lalo na nu’ng sinabi niya na hindi lang mayayaman ang nate-take advantage sa pera. Remember that, yung statement na yon?

“So for her, na she’s so private, para magsalita ng ganu’n, nasaktan talaga. Kasi hindi yon nagsasalita talaga. Four years nga sila ni Anthony (Ng) tahimik, eh.

“Pero ito talaga siguro, napuno. And then, I remember just telling her na, ‘One time big time lang yan, ha? Stop na ha, move-on tayo. At ang pinakaimportante, don’t let it make you ugly, dapat maganda ka!’” ang advice raw niya kay Erich.

Tinanong din daw siya ng Kapamilya actress kung dapat niyang tanggapin ang offer ng isang brand ng alak para maging calendar girl.

“Ako yung nag-udyok na ano, kasi sabi niya, ‘Ate, gagawin ko ba yung calendar?’ Sabi ko, of course gawin mo.

“Kasi di ba, may pagka-Born Again, sabi ko, ‘Ano ka ba, wala ka namang ipapakitang ano. And sabi ko, when will you ever do that?

“Sabi ko, at 27 gawin mo na ngayon kesa mag-regret ka. Just think of it na itong kikitain mo ngayon bawal gastusin. Yon yung money na hindi niya gagalawin kasi para yon sa emergency fund niya.

“Pero kasi, si Erich magaling yan sa ano, kasi her house, yung katabing lot kanya rin, hindi niya tinayuan. Kasi ang ano niya, tatayuan niya or build and sell or i-expand niya yung kanyang bahay,” kuwento pa ni Kris.

 

Read more...