Sinabi ni Estrada na hindi ito ang unang pagkakataon na naharap siya sa plunder case at noong 2004 senatorial race ay nanalo siya.
“If you remember when I first ran in 2004 I still have an outstanding case, pending case pala, together with my father may plunder case ako ng 2004 and eventually I was acquitted,” ani Estrada.
Inamin ni Estrada na pumupunta siya sa iba’t ibang lugar sa bansa subalit hindi pa umano buo ang kanyang desisyon na tumakbo muli sa Senado. Nagtapos ang ikalawang sunod na termino ni Estrada bilang senador noong 2013.
“Sabi ko nga I haven’t decided yet eh, pero siyempre andoon pa rin yung inclination natin to serve our people on a national level,” dagdag pa ni Estrada.
Nauna ng sinabi ng kanyang half brother na si Sen. JV Ejercito an isa lamang sa kanila ang tatakbo sa pagkasenador sa 2019. Unang termino pa lang ni Ejercito.
READ NEXT
P10M silver jewelries, cash natangay ng mga kawatan matapos dumaan sa sewer tunnel sa Baguio City
MOST READ
LATEST STORIES