P10M silver jewelries, cash natangay ng mga kawatan matapos dumaan sa sewer tunnel sa Baguio City

PINASOK ng mga kawatan ang isang lokal na silver shop sa Mines View Park sa Baguio City matapos dumaan sa isang sewer tunnel kung saan natangay ang tinatayang P10 milyong halaga ng mga silver jewelries at pera nitong weekend, ayon sa pulisya.

Nagawa ng mga magnanakaw na makapasok sa stall No. 10 at 11 ng Pilak silver shop, at kinuha ang mga at silver craft at P49,000 pera mula alas-7 ng gabi mula Enero 6 hanggang alas-2 ng umaga ng Enero 7,  dagdag ng pulisya. Ginamit din ng mga magnanakaw ang tunnel sa pagtakas.

Isa ang Mines View Park sa mga dinadayo ng mga turista sa Baguio City.

Read more...