Bato tikom ang bibig sa posibleng pagtakbo sa Senado

TIKOM pa rin ang bibig ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa posibilidad ng kanyang pagtakbo sa Senado sa harap naman ng paglutang  ng kanyang pangalan sa isang survey kaugnay  ng mga magiging kandidato sa pagka-senador sa 2019.

“Wag tayo umasa dyan. Ok lang kung nandyan pasalamat tayo na kino-consider tayo. But I won’t take that very seriously focus muna ko sa trabaho,” sabi ni dela Rosa.

Sa isang survey na isinagawa mula  Nobyembre  11 hanggang 19, 2017 ng polling firm Laylo Research Strategies, pang-12 si dela Rosa sa mga posibleng kandidato sa pagka-senador, kasama sina  PNP chief Quezon City Mayor Herbert Bautista, at Senator Nancy Binay.

“I cannot comment muna on that. Kailangan mag-focus sa trabaho. Pag sinabi ko na tatakbo ako lahat nalang ng decision ko dito sasabihin pulitika ang nasa isip ni Bato. Wala na, sira na diskarte ko,” giit ni dela Rosa.

“Trabaho lang talaga in the best way that I can help the President bring about the reforms that he need to institute,” ayon pa sa kanya.

Read more...