Du30 most trusted sa gobyerno, ayon sa Pulse Asia survey

SI Pangulong Duterte pa rin ang may pinakamataas na approval at trust rating sa gobyerno, ayon sa survey ng Pulse Asia.
    Nakakuha si Duterte ng 80 porsiyentong approval rating sa survey noong Disyembre, kapareha nang nakuha niya noong Setyembre.  Hindi rin nagbago ang kanyang disapproval rating sa 7 porsiyento at undecided na 13 porsiyento.
    Ang trust rating naman ni Duterte ay tumaas ng dalawang porsiyento at nasa 82. Mayroon siyang anim na porsiyentong distrust rating na hindi nagbago.
     Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 59 porsyentong approval rating, tumaas ng dalawang puntos. Hindi naman nagbago ang kanyang disapproval rating na 17 porsiyento at ang undecided ay bumaba ng dalawang porsiyento sa 24.
    Nakakuha naman siya ng 58 porsiyentong trust rating, tumaas ng tatlong puntos. Ang kanyang distrust ay 17 porsiyento, bumaba ng dalawa.

Read more...