Bato tikom ang bibig sa posibleng pagtakbo sa Senado
TIKOM pa rin ang bibig ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa posibilidad ng kanyang pagtakbo sa Senado sa harap naman ng paglutang ng kanyang pangalan sa isang survey kaugnay ng mga magiging kandidato sa pagka-senador sa 2019.
“Wag tayo umasa dyan. Ok lang kung nandyan pasalamat tayo na kino-consider tayo. But I won’t take that very seriously focus muna ko sa trabaho,” sabi ni dela Rosa.
Sa isang survey na isinagawa mula Nobyembre 11 hanggang 19, 2017 ng polling firm Laylo Research Strategies, pang-12 si dela Rosa sa mga posibleng kandidato sa pagka-senador, kasama sina PNP chief Quezon City Mayor Herbert Bautista, at Senator Nancy Binay.
“I cannot comment muna on that. Kailangan mag-focus sa trabaho. Pag sinabi ko na tatakbo ako lahat nalang ng decision ko dito sasabihin pulitika ang nasa isip ni Bato. Wala na, sira na diskarte ko,” giit ni dela Rosa.
“Trabaho lang talaga in the best way that I can help the President bring about the reforms that he need to institute,” ayon pa sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.