Horoscope, January 08, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Ang lahat ng pagsubok na dumarating ay may kapalit na mala-king suwerte. Basta magtiwala ka lang sa nasa itaas. Ngayong 2018 iwasan ang maluhong pamumuhay, mamuhay ng simple lang. Sa pag-ibig kusang iinit ang relasyon habang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag panghimasukan ang buhay ng iba. Sariling diskarte at sariling kalakal ang magpapayaman sa iyo, hindi ka dapat sumosyo sa iba. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang gusto ng kasuyo upang maiwasan ang diskusyon. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin. Kaya sa taong ito ng 2018 laging maglinis ng bahay at salid. Kapag in love ka, ganon din ang mangyayari, maraming suwerte ang darating ng hindi mo inaasahan. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang magpapayaman sa iyo sa taong ito ng 2018. Sa pag-ibig okey ang kapartner na Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Kung laging magsusuot ng green ano man ang iyong gawin tiyak na ikaw ay susuwertehin. Sa pinanasyal may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantic at masayang relasyon hatid ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Beige at maroon ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, dati pa rin – patuloy na kakapusin. Ang pinakamabuting gawin ay mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap. Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa! Habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi at lalong sasarap ang pakikipagrelasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Silver at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Tama ang iyong ginagawa, hindi ka dapat mang-api at hindi ka rin dapat apihin. Lagi ka lang lumagay sa tama at ipayapa ang isipan. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng masayang pamumuhay. Mapalad ang 6, 12, 18, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Beige at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa taong ito ng 2018 ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, upang bumalik ang mga kliyente at dumami ang kita, babaan mo lang ang presyo ng iyong paninda. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig habang patuloy na sumusunod sa iyo ang iyong kasuyo tuloy-tuloy kayong susuwertehin sa buhay. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung paiiralin mo na sa taong ito ng 2018 ang tinatago mong lakas ng loob. Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Dahil malamig ang panahon ngayon uso ang sakit. Para maiwasan ang karamdaman, bumili at kumain ng maraming prutas at sariwang gulay. Sa ganyang paraan, mas magiging malusog ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 4, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa taong ito ng 2018 panatiliin ang positibong pag-iisip. Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong kataga: “Yayaman ako….Ako’y yayaman! Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Sa taong ito ng 2018 wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang suyuan at mas malaking kita ng salapi ang darating. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.

Read more...