2018 healthy eating: Anti-stress food

MATAPOS ang sandamakmak na kainan na iyong sinabakan bago ang 2018, it’s time na piliin naman ang mga pagkain na mabuti sa iyong kalusugan, lalo na yung mga anti-stress food.

Ang tryptophan ay isang klase ng amino acid na nakapagdudulot ng pagkalma at relaxation sa katawan.
Malaki ang maitutulong ng pagkaing ito para palaging good ang iyong mood. Nakatutulong din ito sa nervous system at pagtulog.

Ang tryptophan ay mayroong malaking papel sa paggawa ng serotonin — ang ‘good mood hormone’, melatonin—ang sleep facilitator at vitamin B3 o niacin na nakatutulong sa paglaban sa pagod, depresyon at hindi pagkatunaw ng pagkain.

Ang kailangang tryptophan kada araw ay 500 hanggang 2000 milligram. Nakukuha ito sa karne ng turkey, manok, salami, atay, isda, itlog at iba pang dairy product.

Ang mga vegetarian naman ay maaaring makakuha ng tryptophan sa brown rice, saging, buto ng kalabasa, almonds, buto ng kasoy, mani, brewer’s yeast, parsley at soya.

Hindi makabubuti kung sosobrahan mo ang pagkain ng mga ito dahil makikipagkompetensya ang tryptophan sa pitong iba pang amino acid sa pagpunta sa utak. Limitado lamang ang makararating na tryptophan sa utak sa madaling salita.

Kung sasabayan mo ng carbohydrates ang pagkain ng protina ay makatutulong ito upang makarating ang tryptophan sa utak.

Ito rin ang dahilan ng anti-stress effect ng mga pagkain na mayaman sa sugar.

Huwag ding kakalimutan na kumain ng mga pagkain na mayaman sa omega-3 fatty acid at vitamin B6 na mga natural na antidepressant.

Makakukuha nito sa mga nuts gaya ng walnut, hazelnut, at almonds, isda gaya ng salmon, sardinas at mackerel at canola oil.

Read more...