NAG-REACT si Alessandra de Rossi over a blind item which came out sa radio program nina Arnold Clavio, Ali Sotto at Mike Enriquez.
The blind item is about a female celebrity na sinigawan daw ang tatay ng kanyang boyfriend.
Maraming nag-react na fans and there are those who were brave enough to name Alessandra kaya naman nagpatutsada ang aktres.
“Grabe ang ganda ko! Mas maganda pa ako sa umaga. Fake news.”
“Saan banda pwedeng mangyari yang kwento na yan?”
“Bat ko naman gagawin yun?”
‘Yan ang sunud-sunod na reaction ni Alessandra.
Ang pinakahuli niyang message? “Boycott.”
So, that means either she’s boycotting the radio program or asking her followers to boycott it for her.
‘Yan ay assessment lang namin, ha.
Actually, may pahabol pa siyang aria which we can only surmise ay patungkol pa rin sa blind item about her totoo man o hindi.
“Masakit pag yung mga taong nirerespeto mo ng sobra, hindi ka pala kayang respetuhin in return. Well, I guess hindi talaga ako kagalang galang. okay, let’s move on. Natanggap ko agad. Hahaaha.”
“Wala na kayong 3 na credibility. ETO REAL NEWS. Pag usapan nyo na bukas please.”
‘Yan ang dagdag niyang aria.
Ayan, ginalit n’yo si Alessandra.