Maine pinagsabihang magpaka-professional sa ‘Bulaga’, alagaan ang AlDub loveteam

 

LIFTED na raw ang “suspension” kay Maine Mendoza kaya’t nakabalik na ito sa Eat Bulaga sa pagsisimula ng 2018.

Although walang nagsabing nasuspinde ang dalaga, ipinakiusap na lang umano ng mga na-ngangalaga ng karir nito na simulan ang taon ng positibo at gawin ang trabaho ng maayos.

Ayon pa sa a-ming sources, pinagsabihan na si Maine ng kanyang dapat na ginagawa sa show at sa loveteam nila ni Alden Richards.

Abangan na lang daw natin ang mga susunod na kabanata dahil very soon ay tiyak na may bagong gimik na naman ang Eat Bulaga para sa kanila na siguradong ikatutuwa ng AlDub Nation.

 

Read more...