Super yamang manliligaw ni Erich kabilang sa ‘Top 20 Richest Families’ sa Pinas

ERICH GONZALES

WALA nang nagawa si Erich Gonzales nang ibuking ni Kris Aquino ang tungkol sa super rich guy na nanliligaw sa kanya ngayon na balitang naka-private plane pa kapag dumadalaw sa kanya.

Ayon sa Queen of All Media, nakikita raw niya na masaya na ngayon si Erich after ng controversial break up nila ni Daniel Matsunaga. Bumalik na raw ang sigla at glow sa mga mata ni Erich na pansamantalang nawala dahil sa huli niyang pakikipagrelasyon.

Ayaw magbigay ng detalye ni Kris kung sino ang napakayamang suitor ni Erich ngayon pero ang clue na ibinigay niya ay kabilang daw ang guy sa Top 20 richest families sa Pilipinas.

Nang hingan ng reaksyon si Erich tungkol dito ay natawa lang nang malakas ang dalaga, “Wala naman akong secret sa kanya. Wala naman akong itinatago.

“May mga willing maghintay, pero alam naman nila na hindi pa talaga ako ready sa ngayon. Marami po tayong trabaho, so do’n talaga yung focus ko ngayon. Ayaw kong sayangin yung mga oportunidad na binibigay sa akin, so talagang, work-work talaga, hindi priority yung pag-ibig,” mahabang tugon ng Kapamilya actress pagkatapos ng pa-block screening ni Kris para sa 2017 MMFF entry nina Erich at Jericho Ro-sales na “Siargao”.

Sunod na tanong kay Erich kung kaya ba niyang kontrolin ang kanyang puso na ma-in love agad, “Makokontrol ko po yan. Ha-hahaha! May mga goals po tayo na gusto nating ma-achieve, so don muna po yung focus natin.”

Sa pagpasok ng 2018, sasabak muli si Erich sa matinding hamon ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Blood Sisters kung saan tatlong karakter ang kanyang gagampanan.

“Hindi siya madali. Three times ng pagod mo, but sobrang maganda yung istorya. So siyempre, tayo naman palagi nating sinasabi at ginagawa yung best natin in every project na binibigay sa atin, so tulungan naman kaming lahat.

“Patapos na kami ng pilot, siyempre may effects yan kasi tatlong tao. At abangan din nila ang movie namin nina Lovi (Poe) na ‘Significant Others’ directed by Joel Lamangan and yung movie na pinrodyus ko na action-suspense na ‘We Will Not Die Tonight’ directed by Richard Somes. Hopefully this year, maipalabas lahat yon,” pahayag pa ni Erich.

q q q

Samantala, magiging super busy din ang 2018 ni Kris Aquino dahil bukod sa mga bagong TV commercial na gagawin niya ay sisimulan na rin ang bagong horror movie niya na mapapanood sa iFlix.

Naka-schedule na ang shooting ni Kris para sa nasabing proyekto at pinaghahandaan na raw niya this early ang pagbabalik niya sa akting. Dito muling patutunayan ni Kris ang kanyang powers pagdating sa katatakutan.

Nabanggit na sa amin ni Kris ang title nito pero hindi pa pwedeng banggitin. Pero aniya, halos lahat ng eksena nila ay sa gabi kukunan at kailangan din niyang mag-stay sa location nila ng ilang araw nang walang uwian.

In fairness, si Kris pa rin ang nananatiling Horror Queen sa bansa dahil wala pa ring makakatalo hanggang ngayon sa classic horror film niyang “Feng Shui” na isang certified blockbuster hit.

At para sa amin ang “Feng Shui” pa rin ang pinaka-scary at creepy na horror movie na napanood namin sa loob ng mahabang panahon.

May work din siya sa kanyang birthday on Feb. 14, ito yung TV commercial shoot niya sa Japan para sa produktong doon ginagawa na isa ang Pilipinas sa market.

 

Read more...