Nangnega sa 2017 MMFF entry nina Vice, Pia at Daniel nganga

ALIW na aliw kami sa aria ng dating entertainment field reporter na si Elmer Reyes who defiantly defended Vice Ganda from his bashers.

“Sa mga ayaw sa #TheRevengersSquad, sorry kayo! Nag-enjoy kami. Natawa. Naghalakhakan. Masaya kami paglabas. Kasi, wala kaming expectations whatsoever. Purpose namin is to enjoy the night. At natuwa kami. Happy.

“Buti at hindi ako nagpadala sa mga naninira sa pelikula. Hindi pa rin ako manonood ng nakakaantok na pelikulang nirerekomenda niyo.

“Nakakatawa ang #TRS. Pambata. Unkabogable talaga si Vice Ganda! Panahon niya ito. Phenomenal. Si Pia Wurtzbach naman, nakita namin si Darna habang lumilipad siya. Bagay na bagay sana sa kanya yung role na yun. Sayang. Daniel Padilla, papalicious pa rin as ever.

“At least, matutulog akong may ngiti. #Bongga #Ganernd #UnkabogableViceGanda.”

‘Yan ang aria ni Elmer after watching “The Revenger Squad” ni Vice.

“Ang mga ayaw sa The Revengers eh yung mga ayaw lang talaga kay Vice o kalaban ni Vice na ang goal ay manira dahil PINAPAKAIN nya ng ALIKABOK ang kalaban!

“Ganurn! Sorry na lang sila TAON TAON nilang sinisiraan si Vice PERO hindi sila nagtatagumpay!” said one FB follower of Elmer.

Wala namang pretension ang movie ni Vice. Ang gusto lang naman nito ay mag-entertain and it was successful. You don’t argue with success. If you do, may sakit kayo sa ulo. Patingin kayo sa mga dalubhasa sa mental institutions.

Read more...